Kahalagahan ng Teknikal-Bokasyunal na pag-sulat
Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
- Ito ay komunikasyong pasulat sa larangang may espesyalisadong bokabularyo tulad ng sa agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan
- Karamihan sa teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto.
- Ito ay payak dahil hangarin nito ay makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw.
- Ito ay kailangang maging malinaw, maunawaan, at kumpleto ang binibigay na impormasyon. Kailangan ding walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.
Anyo ng Tek-Bok na Sulatin
- Naratibong ulat
- Feasibility Study
- Promo materials
- Deskripsyon ng produkto
Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
- Upang magbigay alam.
- Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
- Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
- Magbahagi ng impormasyon
- Manghikayat ng mambabasa
Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
- Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
- Upang magbigay ng kailangang impormasyon
- Upang magbigay ng intruksyon
- Upang magpaliwanag ng teknik
- Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
- Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
- Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema
- Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
- Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kumpanya
- Upang makabuo ng produkto
- Upang makapagbigay ng serbisyo
- Upang makalikha ng proposal
Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin
- May espesyalisadong bokabularyo
- Tiyak
- Tumpak
- Malinaw
- Nauunawaan
- Kumpleto ang impormasyon
- Walang kamaliang gramatikal
- Walang kamalian sa bantas
- Angkop na pamantayang kayarian
- Di-emosyonal
- Obhetibo
Gamit ng Tek-Bok na Sulatin
- Ulat panlaboratoryo
- Mga proyekto
- Mga panuto
- Mga dayagram
Comments
Post a Comment